Tunay na kaibigan, saan kita natagpuan

Narinig mo na ba ang kasibihang: “keep your friends close and your enemy closer”? Sino kaya ang nakaimbento ng kasabihang ito? Ano kaya ang dahilan nya at nasabi nya ito? Ilan kaya ang kaibigan nya at kaaway? Hindi siguro friendly ang nakaimbento nito. Ilang beses ko ng narinig ang kasabihang ito at tuwing maririnig ko eh iniisip ko kung ano ba talaga ang ibig sabihin nito. Bakit mo kailangan na maging close sa kaaway mo? Ano yun plastic? Bakit hindi kayo pwedeng maging very close ng friends mo kung friends talaga kayo? Ano yun plastic ulit? Hindi kaya mas delikado ang buhay mo kung magiging close kayo ng kaaway mo? At papayag kaya ang kaaway mo na maging friends kayo? Wierd ang kasabihang ito pero bakit kaya madami ang nagsabi nito sa akin? Hindi kaya may galit sila sa akin? Ito naman ay naisip ko lang. Ako kasi, ayoko ng may kaaway o kasamaan ng loob. Siguro lahat naman tayo maliban sa gumawa ng kasabihang nabanggit ko. Mas masaya nga kung madami kang kaibigan eh. Kasi madami kang ka-chikahan, katambayan, kakulitan at mauutangan. Sabi nga, “da mor, da meniyer”. Iba din kasi ang pakiramdam pagkasama mo ang mga kaibigan mo. At kahit madami kang kaibigan, hindi lahat sila ay pwede mong sabihin na tunay mong kaibigan. Iyong iba, kaibigan mo pag may kailangan at yung iba eh kaibigan mo lang pagnagkita kayo at para lang masabi na magkaibigan kayo. Sila yung mga tipong kolorum na kaibigan. Meron din naman akong mga ganitong kaibigan. Madami pa rin akong malalapit at tunay na kaibigan. As in close friends, at yun ang isang nagpapaligaya sa akin, ang makasama ko sila. Pero pano ko ba nasabing malapit kaming magkaibigan kahit hindi kami magkapitbahay? Paano ko sila naging tunay na kaibigan kahit hindi naman sila “blue sealed” o “imported”. Kasi kahit wala sila pag masaya ako, lagi namang handang dumamay pag nangangailangan ako. Kumbaga, para silang mga super hero. Ganun daw kasi ang tunay na kaibigan, parang super hero. Kung kailan mo kailangan na kailangan tsaka lang lumalabas. Pero tunay nga naman yun. Ganun din kasi ako eh. Kung masaya ka ngayon, bahala kang magpakasaya. Okay lang kahit hindi mo ako kasama. Pero pag nandyan na ang problema, isang tawag lang andyan na ako. Masarap din kasi ang feeling nung ganun. Kasi parang superhero ang pakiramdam ko pag ganun. Sarap. Ako naman kung masaya ako, gusto ko kasama ko pa din ang mga tunay kong kaibigan kasi pag minsan dun lang ako bumabawi sa kanila.

Ang tunay na kaibigan eh parang jowa. Kayang tanggapin ang kahinaan at kapintasan mo. Naipapakita mo kung sino ka talaga. Nagiging natural ka. Yung mga hindi ka ipapahamak. Hindi ka iiwan sa ere at kayang sakyan ang mga trip mo. Yun ang masarap na feeling. At hindi lang yun, kaya nyang sabihin sa harap mo kung mabaho ang hininga mo, may kulangot ka o kung may muta ka pa. Yung tipong sobrang natural lang. Madami na kong na-experience na ganun. At dun ko napatunayan na tunay talaga silang mga kaibigan. Pero hindi naman talaga lahat eh ganun. Iba-iba rin kasi ang tao kaya nga ang sinasabi ko eh ako, personally. Iba-iba din kasi ang definition nila ng tunay na kaibigan eh. Pero sa akin simple lang. Nakakatuwa nga din ang mga kaibigan ko eh. Lalo na ang mga unforgettable experiences ko with them na hindi ko makakalimutan kahit kailan. Madami yun. Tsaka yung iba nakakatuwa kung paano ko naging ka close. Yung iba hindi ko alam na magiging ganun kami ka close eh. Parang bigla na lang. Yung iba hindi ko alam na close friend ko pala, hindi ko pa alam. Kasi nga sobrang natural lang namin. Pero may ilan akong mga kaibigan ngayon na medyo mas lumalim na yung pagkakaibigan namin. Hindi siguro nila napapansin o nararamdaman, o napapansin din nila at nararamdaman pero hindi lang din sinasabi. Sobra kasi akong malapit sa mga kaibigan kong mga ito eh. Sabi ko nga sa isa sa kanila, mas gusto ko pa ang maging tunay na kaibigan ko ang isang tao kesa maging asawa, kasi kung asawa mo yan, may tendency na maghiwalay pa kayo, pero kung tunay mong kaibigan, kahit pa paghiwalayin kayo ng panahon at pagkakataon, magkaibigan pa rin kayo. Hindi na basta basta magbabago yun. Yun ang isang masarap pag may kaibigan kang maaari mong tawaging “beystfreynd”.

Ang isa sa mga gusto ko pag kasama ko sila, pwede akong tumawa hanggang lobo ang sipon ko at mapautot. Iba din kasi ang biruan at lokohan pag tunay na kaibigan mo eh. Parang kung iba ang makakarinig eh baka sabihin nilang “foul” na, pero sa inyo, yun ang isang dahilan kaya kayo close. Kasi kahit anung usapan eh parepareho nyong nasasakyan. Nakakabanat ka din ng pambabara pero okay lang kasi kilala ka nila. Alam nilang sira talaga ulo mo. Masaya na kayo sa konting kulitan at kantsawan, at bahala na kung kailan ulit mauulit yun. Parang “sige next time ulit. Text-text na lang.” Tulad nung tatlo kong tunay na malulupit, mababangis, mababait at mapapagkatiwalang friends ngayon (hindi lang sila ang tunay kong mga kaibigan at hindi lang sila ang mga kaibigan ko, por eksampol lang naman). Yung isa nasa manila, yung isa, nasa kanila, pati yung isa. Yung nasa manila, maswerte na kung once a week eh magkatambayan kami. Dun na kasi sya nagtatrabaho. Yung isa, maswerte na kung once or twice a month kami magkatambayan kasi medyo busy sya eh. Yung isa naman eh nagkikita ng madalas pero konting chikahan lang. Conflict din kasi ng schedule eh. Pero pag ayos ang schedule, tambay to the max. Kumbaga, its pay back time. Tipong catching up, updating. Pero ayos naman. Lagi naman napupunuan ang mga time na hindi kami nakapagtambayan. Para din kasi silang mga pain reliever. Pag masyado akong nabilisan sa takbo ng buhay, upo muna sa tabi nila. Relax ng konti, pagkatapos, laban na ulit. Siguro hindi pa nila alam kung gaano ako natutuwa at nagpapasalamat na nakilala at naging kaibigan ko sila. I always try to be a brother to them, a confidante, a superhero and a bestfriend. Sabi ko nga dun sa isa, hindi ko ipagpapalit ang pagkakakibigan namin kahit saan. True friendship is the most precious treasure a person can have, second to knowledge. Coz no matter what happen, your friendship will keep you close.

Hindi pa nga lang din namin napapagusapan kung ano ang ibig sabihin nung kasabihan na nabanggit ko sa itaas. Naguluhan nanaman tuloy ako. Napaisip nanaman ako kung ano talaga ibig sabihin nun. As in yung matinong sagot, yung seryoso. Kasi kung iisipin, bakit mo kailangang maging close sa kaaway mo. Wag na nga lang isipin:-)

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s