Aborting the abortion

Napanood ko kagabi sa balita na gusto nilang gawin ligal ang abortion. Napailing na lang ako. Abortion? Gagawing legal? Isang malaking kalokohan. Sabi ng mga nagsusulong ng batas na ito, para daw maiwasan ang mga namamatay na kababaihan dahil sa abortion at para daw magkaroon ng tax ang mga aboryonista. Eh bakit nga ba may nagpapa-abort?

Ang abortion daw ang sagot sa mga unwanted pregnancy. Kalokohan! ang sagot sa unwanted pregnancy ay abstinence. Kung ayaw mong mabuntis eh di wag kang magpabuntis. Madaming paraan para hindi ka mabuntis. Huwag masyadong makati. May tamang panahon para matikman ang luto ng Diyos. Huwag tikman agad kung hindi pa luto at siguradong hindi yun masarap. At kung nagkataon na nabuntis talaga dahil sa mga hindi inaasahang pagkakataon (e.g. rape), pwede mong ipaampon kung kaya ng sikmura mo o dalhin mo sa mga bahay ampunan. Palagay ko mas matutuwa ang mga sanggol kaysa patayin agad sila kahit hindi pa sila nailalabas sa mundong ibabaw.

Ang abortion ay isang uri ng pagpatay. Kung gagawing ligal ito, gawin na rin sigurong ligal ang pagpatay sa kapwa. Pareho lang namang pagpatay ang usapan eh. Medyo dehado nga lang ang mga biktima ng abortion dahil wala silang kalaban laban.

Siguro madami rin ang tumaas ang kilay sa balitang ito at marahil naiisip ng mga magulang ng mga taong nagsusulong nito na: “Ang galing galing talaga ng anak ko. Biruin mo naisip nya yun! Sana pinaabort ko na lang sya nung nasa tyan ko pa sya.” 🙂

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s