Marriage Licensure Exam

Kelan mo gustong magpakasal? Handa ka na ba sa lahat nang maaaring mangyari kapag ikaw ay nagpakasal? Ang kasal ba o pag-aasawa ang magiging simula nang pag-unti ng iyong mga kaibigan? Kung ang isang tao ba ay kasal na, ibig sabihin ba nito ay hindi na sya maaring makipagkaibigan sa isang binata o isang dalaga?

Ito ang mga katanungan na gumugulo utak ko ngayon. Hindi ko kasi alam kung bakit ang ibang tao eh abalang-abala sa pakikialam ng pagkakaibigan ng isang may asawa at isang single. Bakit kelangan nilang bigyan ng malisya ang pagiging malapit ng isang single at isang may asawa? Hindi ko alam kung kakitidan ito ng utak o sadyang hindi lang sila marunong umintindi at mas pagaaksayahan pa nila ng panahon ang pakikialam sa buhay ng ibang tao kesa maayos ang buhay nila. Hindi ko rin alam kung bakit ang ibang tao, kung mas matanda ang napang-asawa ng babae ayos lang pero kung lalaki naman ang nakapang-asawa ng mas matanda nagtataka sila? Teka lang, hindi ba parehong pagmamahal ang pinaguusapan doon? At wala na din siguro dapat tayong pakialam dun dahil hindi naman ata tayo napeperwisyo.

Mabalik tayo sa pinag-uusapan natin kanina. Bakit kinukwestyon ng iba ang pagiging malapit ng isang may asawa at isang single? Sa tingin ko eh hindi tama yun dahil unang una wala tayong pakialam sa kanila dahil buhay nila yun. Pangalawa, hindi naman siguro dahil may asawa na ang isang tao eh ibig sabihin nun ay hindi na sya pedeng maging malapit sa isang single. Hindi ko mapigilang pagaksayahan ng panahon ang topic na ito dahil medyo “disturbing” lang kasi parang unfair yun sa both parties.

Mai-share ko lang yung isang kwento na napulot ko habang naglalakad ako pauwi kanina. Yung kwento, parang love triangle ang dating kung sa ibang anggulo mo titingnan. Pero kung bubuksan mo ang utak mo, makikita mo na wala namang kakaiba. Basahin mo ng maintindihan mo ang sinasabi ko.

Merong dalawang magkaibigan, isang may asawa at isang single. Ayos naman ang samahan ng dalawang magkaibigan pero ang problema, meron palang kaibigan itong single na me gusto sa kanya. Minsan napansin nung may asawa na parang nag-iba si single. Hindi na sila ganun ka close gaya ng dati. Nagtaka itong si me asawa dahil biglang nagiba si single. Samantalang, before hand, alam na nila na hindi na lalampas sa pagiging magkaibigan ang relsayon nila at kung lumampas man eh parang magkapatid na lang kasi nga alam nila pareho ang sitwasyon nila at hindi nila kayang isakripisyon ang kanilang pagkakaibigan dahil sa pansarili nilang interes. Minsan, humingi si me asawa ng tulong dun sa kaibigan ni single na me gusto ke single. Ayos ang pasok nitong si kaibigan. Todo payo pa at gagawa daw sya ng paraan para magkaayos sila. Pero lingid sa kaalaman ni me asawa na kung anu-ano pala ang sinasabi nitong si kaibigan ke single, kaya sa halip sa magkaayos sila at maibalik ang dating pagkakaibigan, lalo lang gumulo hanggang sa talikuran ni single ang kanilang pagkakaibigan ni me asawa. At naging close si kaibigan at si single. At nag tagumpay si kaibigan na sirain ang pagkakaibigan nila me asawa at ni single.

Nung marinig ko ang chismis na yun, hindi ako makapaniwala na talaga palang madami pa rin ang makikitid ang utak at meron pa rin pala na mga taong mas masaya kahit makasagasa ng kapwa basta ang interes nya ang magtatagumpay. Hindi ko alam meron palang mga taong magaling ding mang-brainwash. Medyo kakaiba lang din itong narinig kong kwento dahil ngayon lang ako nakarinig ng ganito. Paano mo magagawang talikuran ang pag-kakaibigan lalo na kungkayo naman ay nagkakasundo? Bakit mo pakikinggan ang sinasabi ng iba lalo at alam mong wala kang ginagawang masama?

Siguro ang moral of the story eh, hindi dapat tayo nakikialam sa buhay ng may buhay lalo na kung hindi ito makakatulong. At hindi dapat tayo masyadong malisyoso at malisyosa dahil ilang pagkakataon na napatunay na wala talaga itong maidudulot na maganda at hindi rin ito nakakatulong sa buhay natin. Unahin muna siguro nating pakialaman ang sarili natin.  🙂

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s