A Blogs Life II

Grabeh!!! Ganito pala ang feeling. Kakaiba. Pwedeng sabihin ng iba na O.A. pero para sa akin ang sarap.

Ganito kasi yun, nagparehistro kasi ako sa isang directory ng blogs na gawa ng mga Noypi at naparehistro naman (salamat sa admin ng blog! 🙂 ). Medyo iba kasi ang pakiramdam kung andun ka sa ganun kasi mas marami ang pwedeng makabasa kung ano ang nasa utak mo. At yun ang isa sa mga dahilan ko kung bakit ako gumawa ng sarili kong blog: para maikwento ko sa mas nakararami ang mga gusto kung ikwento. Yung tipong tropa ko ang buong mundo. Sarap talaga!

Salamat ng marami sa blogsngpinoy.com sa pag-approve ng blog ko kahit mukhang walang kwenta. Salamat din kay BRO dahil sa mga nakikita ko sa araw-araw na nagiging kwento ko at na-i-i-share ko sa iba. At salamat din sa iyo na nagbabasa nito dahil napagkamalan mong interesante ang mga laman nito. Hayaan mo, marami pa akong akong kwento sa’yo lalo na kung gusto mong ma-bored kung minsan. Mas maganda nyan, mag-leave ka ng comment tapos maglagay ka ng topic na gusto mong pag-usapan natin. Kahit ano pede. Kung gusto mo magtanong ka tungkol sa kung anu-ano at sisikapin kong sagutin ayon sa aking nalalaman. Parang mga programa sa radio at t.v. kaya lang medyo sosyal tayo dito. Hanggang dito muna. Hintayin ko mga comments nyo. Salamat po ng marami sa oras. Mabuhay tayong lahat!!! 🙂

Keep on Blogging!!! \m/

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s