Dear diary, a true to life story

Sa isa kong napanood na pelikula; “diary are for loners”. Kasi daw, dahil wala kang ibang makausap o mapagsabihan, sinusulat mo na lang sa isang notebook ang mga saloobin mo. Still, it’s an act of expressing oneself. Hindi ako sampalataya sa linyang yun, kasi maaring ang ibang bagay ay hindi mo maari o hindi mo kayang sabihin sa iba. Minsan naman mas gusto mo pang sarilihin mo na lang ang ibang bagay kaya sa isang notebook o diary mo na lang sinusulat. Minsan din, kahit madami kang kaibigan, wala minsan sa kanilang pwede mong masabihan basta-basta ng saloobin mo. Parang yung isa kong kaibigan, hindi nya kayang basta-basta mag-express ng sarili nya. Madami syang bagay na mas gusto nyang sarilinin, kaya malamang meron din syang diary.

Noong medyo bata pa ako, may mga kaibigan akong babae na may diary. Ang ipinagtataka ko lang eh bakit kailangan nilang ipakita o ipabasa ang nakasulat sa diary nila sa iba naming kaibigang babae. Siguro inggit lang ako kasi wala akong diary at hindi nila pinapabasa sa akin kung anu man ang nasa diary nila kaya ako nagtataka.

Pero sa tingin ko, cool din kung may diary ang isang tao. Parang may imaginary friend sya na hindi nakikita ng ibang tao. Tama. Ang diary ang parang isang imaginary friend ng ibang tao kasi hindi nila ito basta ipinapakita o pinapabasa sa iba. Pagkatapos ng isang napakahabang maghapon, sasalampak sila ng upo sa kama at magkukwento sa maliit nyang notebook kung ano ang nangyari sa buhay nila sa lumipas na maghapon.

Sinubukan ko din magkaroon ng diary noon. Wala naman akong naisulat na kakaiba, kasi yung isinulat ko dun ay kinukwento ko din sa mga kaibigan ko. Kaya naisip ko, para lang akong nag-aaksaya ng tinta ng ballpen kaya itinigil ko na din. Pero may diary pa naman ako hanggang ngayon, hindi nga lang nasusulatan pero nasasabihan ko. Sila ang aking mga kaibigan. Iba-iba pa nga ang mga “diary” ko eh. May “diary” ako para sa trabaho, may “diary” ako para sa kalokohan, pero ang isa sa paborito ko eh yung “general diary” ko. Yung lahat ng bagay ay nasasabi ko sa kanya, personal man o hindi, private man o public. Ang isa pang maganda sa mga “diary” kong ito, meron kaming interaction. Nare-react sila kung ano man ang “isulat” ko sa kanila. Hindi ka tulad ng mga pangkaraniwang diary na wala lang, sige lang, sulat ka lang dyan, sa mga diary ko, magre-react sila kung tama ba o mali ang ginawa ko sa maghapon kong buhay. Itatama nila ako kung mali ang “naisulat” ko para sa araw na iyon, sasang-ayon kung tama ang “naisulat” ko, makikipagsaya kung naging masaya ang “naisulat” ko at makikiramay kung naging malungkot naman. Napapalakas ng loob kung nanghihina ako, nakikipagtawanan at nakikipagkulitan kung wala na akong “maisulat”. Yan ang malulupit kong mga “dairies”.

Diary is like a fairy, it make your dreams come true though its imaginary. Sa diary mo din kasi nasasabi ang mga greatest fears mo sa buhay na hindi mo kayang sabihin sa iba. Sa diary mo lang din minsan na se-share ang mga gusto mo sa buhay. Hindi ka kasi nila huhusgahan. Hindi ka nila pagtatawanan. Pero madalas naman ay natutulungan ka nila para gumaan ang iyong pakiramdam lalo na kung ikaw ay nabibigatan.

Lalo na kung ikaw ay nasa isang lugar na ilang at biglang sumakit ang iyong tiyan. Pumilas ng ilang pahina sa diary mong tangan, ang kalooban mo ay gagaan. ^_^

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s