Music in my ears, a friend that’s so dear

Musika ang isa sa mga hilig ko na hindi ko alam na magugustuhan ko at mamahalin ko. Siguro, ito ang isa sa mga bagay na hindi ko kayang mabuhay pag wala. Sabihin na nating O.A. pero hindi ko talaga kaya pagwalang musika. Sabi nila, ang buhay daw ay puno ng math. Maaring tama sila. Pero sa akin, puno din ng musika ang buhay. Mga simpleng tunog lang ay nakakagawa na ng musika. Mga huni ng ibon at mga insekto, mga tunog ng sasakyan. Kahit pa ang mga sigawan ng mga nagrarally ay musika din. Kahit ang pag utot ay musika din. Kahit saan tayo tumingin ay may makikita at maririnig tayong musika.

Hindi ko din alam kung bakit nahiligan ko ang musika. Samantalang noong nasa elementary ako, nakakatulugan ko ang subject naming music. Siguro kasi puro sukat noon. Mayroong eksaktong sukat ang bawat tyempo. Mayroong mga sukat ang bawat linya.

Hindi ko na maalala kung kailan talaga ako nahilig sa musika at naging bahagi na sya ng buhay ko. Ang naalala ko na lang eh natugtog na ako ng instrumento. Ayos din. marami akong natutunan at mas naging relax ako nung tumutugtog na ako. Iba-iba ang nahiligan kong klase ng musika. Nung nasa highschool pa ako, mga senti ang tinutugtog ko. Tapos naging rakrakan, tapos naging medyo maingay na ng konti. Pero ang isa sa paborito ko eh alternative rock. Ito kasi yung pwedeng senti pero rock,pwedeng maingay pero rock. Yan ang alternative rock.

Madami din akong naging kaibigan dahil sa musika at marami din akong nagawa na hindi ko inisip noon na magagawa ko. Nagkaroon ako ng banda nung highschool. Jamming lang kami after class. Puro cover songs lang. Parang walang pang lakas ng loob mag-compose ng sariling kanta noon. Nakatugtog din sa isang mini concert sa plaza namin. Nakatugtog ng isang jingle para sa isang kaibigang pulitiko. Nakatugtog sa debut ng kaklase nung college at nakapagperform sa harap ng buong highschool community, syempre nung highschool yun at naging gitarista ng banda ng simbahan. Naging lone drummer ng cheering squad nung highschool, at dahil lone drummer ako nun, isang buong drum set ang dala namin nung lumaban kami. Hindi ko masyadong inisip na magagawa ang lahat ng ito nung una akong humawak ng instumento, dahil siguro instrumentong nagpaparami ng lahi ang unang nahawakan ko, at dahil siguro basta lang tugtog ang alam ko noon. Kumbaga, wala pa akong masyadong passion. Pero nung magbanda na ako, dun ko unti unting naramdaman ang pagkahumaling ko sa kanya. Naramdaman kong kailangan ko pala sya at hindi ko kayang mawala sya sa buhay ko. Dun ko unang naramdaman ang passion.

Hindi din naman kasi porke nakapagperform na ako eh magaling na ako. Nakaranas din akong ng kahihiyan pero kinapalan ko lang ang mukha ko dahil naniwala ako sa sarili ko na kaya kong tapusin ang kanta. Kaya kong tapusin ang tugtog kahit putol na ang isang string ng gitara. Kaya kong tapusin ang palo ng drum set kahit tumalsik na ang pedal ng bass drum. Kasi habang natugtog ako noon, ramdam ko ang musika ko at ang pangangailangan ng mga nanonood at nakikinig na kailangang matapos ang kanta. Sa bandang huli, umuwi din ako na masaya. Fulfilled. Dun ko naramdaman ang lukso ng passion sa musika.

Pagkatapos nung huli naming tugtog sa debut nung college classmate ko, na-disband na kami. Naging busy sa academics. Hindi ko na masyadong nahahawakan ang gitara ko noon. Bihira ko na rin matanggalan ng alikabok. Hindi ko na masyadong naaalagaan. Hindi ko alam kung nawala ang passion ko o masyado lang akong busy sa ibang bagay. Naaalala ko pa naman tumugtog nung mga panahong iyon. Pero hindi na kasing dalas nung dati. Hanggang sa magkatrabaho ako, minsan ko na lang mahimas ang aking instrument, yung gitara. Pag pagod ng mag-isip, tugtog ng konti tapos pagtinamad na tago ulit. Malaki din ang naging kasalanan ko sa gitara ko. Hindi na kami ganun ka close gaya nung dati. Nagtampo na ata sya. Dahil kahit bago ang string na ikabit ko, hindi ko makuha yung dati nyang tono. Nagtanim na pala saya ng sama ng loob sa akin. Hindi ko alam, may heavy heart pala sya sa akin. Pinilit ko syang amuin pero ganun pa din. Nagkakatugma kami pag may topak sya. Sinasabayan ko na lang.

Pagkalipas ng may tatlong taon, may nakilala ako. Isang kaibigan. Dahil sa kwentuhan, nalaman kong marunong din pala syang tumugtog. At dun parang nagsimula uling mabuhay ang passion ko sa musika. Simula noon, palitan kami ng kuro-kuro tungkol sa musika at buhay. Na-inspire ako na may handa palang making sa mga musika ko. Doon kami nagkasundo ng ayos. Noon ko ulit sinimulan ang pagtugtog at muling paglikha ng musika. Hanggang isang araw, narinig ko na lang ang sarili ko na tumutugtog at kumakanta ng isang pyesa na noon ko lang narinig sa buong buhay ko. Hindi pamilyar ang tono at lyrics pero parang alam ko yung kanta. Dun ko lang nalaman na nakagawa na pala ako ng kanta sa tulong ng isa ko pang malapit na kaibigan. Ni-record namin, walang pagdadalawang isip at pinarinig ko sa kaibigan kong tumulong sa akin para mabuhay ang passion ko sa musika. Hindi ako napahiya kahit pangit ang boses ko at maganda ang sa kanya. Isa sya sa mga unang naka-appriecate ng kanta ko. Nakakatuwa lang dahil hindi mo pala kailangang maganda ang boses mo para maapreciate ka. Kailangan lang pala ay may puso ka sa paggawa ng kung ano man ang hilig mo. Nasundan pa ng ilang kanta ang pinarinig ko sa kanya. Hindi akin ang lyrics pero akin ang music. At isa yun sa pinagmamalaki ko. May isa pa nga akong pinarinig sa kanya at nagbigay pa sya ng feedback tungkol sa tono. Kaya nung sumunod na kanta, medyo ayos na ang tono pero pangit pa rin ang boses ko. Hindi ako napahiya sa kanya kahit kailan. Lagi nyang naapreciate ang gawa ko. Salamat sa iyo. Isa kang tunay na kaibigan. Sa susunod na may ipaparinig ako sa’yo, kanta ko na talaga.

Bigla ko lang naiisip, hindi kaya pinagtitripan lang ako nitong kaibigan ko at kunwari eh nagustuhan nya ang gawa ko? Okay lang maganda naman ang riff eh, kahit pangit ang boses. 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s