Librong Malabo, Sinong Umutot Bakit Mabaho

Maramirami na rin akong librong nabasa. Magkakaiba nga lang ang tema. May mga kwentong fictional, yung iba parang true confession ang style pero nakakaaliw. Meron din na parang nagyayabang lang sila ng buhay nila at yung iba parang nagkukwento lang sa barkada. Ganito ang mga trip ko. Informal kasi eh. Parang “sige lang kwento ka lang, makikinig lang ako”. Walang pakialam sa mga salitang ginamit kasi nga kwentong barkada. Tropa nya ang mambabasa. Sobrang cool nang ganun. Kaya kahit madami na akong nabasang ganun ang tema, lagi pa ring pasok sa akin kasi minsan nakaka-relate din ako. Kulang na nga lang eh sabihin kong “pareho pala tayo. Dumaan din ako sa ganyan eh”. Pero yun ang astig kasi hindi pigil ang idea mo. Yung expression mo ng sarili mo buo, all out, hindi pigil. Pagnagbabasa ako ng ganun, feeling ko tuloy eh matagal na kaming magkakilala at magkabarkada kahit nun ko lang nahawakan ang sinulat nya. Naisip ko tuloy kung kailangan pa nila ng editor sa ganung style ng pagsusulat. Siguro. Para lang siguro mas maintindihan ng mga mambabasa ang gusto nilang sabihin. Hindi naman para baguhin ang idea nya kundi para lang mas makagamit ng mga mas angkop na salita.

Ano kaya ang tawag sa ganung style ng pagsusulat? Autobiography kaya o sanaysay? Pero ayos lang kahit anong tawag. Ang importante eh naisambulat nya ang gusto nyang sabihin sa pamamagitan ng pagsusulat. Humahanga talaga ako sa mga taong may kakayanan na makapag-express ng sarili nya sa pamamagitan ng pagsusulat. Parang yung isa kong nabasa, style compilation naman. Parang yung mga sulat nya sa mga mahal nya buhay at yung experience nya habang nasa ibang bansa eh pinagsama nya. Astig. Ang galing. Sana maging ganun din ako. Sana. 

Naalala ko nung nasa college ako, humingi ng contribution article ang kaklase kong editor-in-chief ng school paper namin, para daw sa annual portfolio. Kahit anong klase daw. Pwedeng tula, kwento, essay, kahit ano kasi for approval pa rin naman eh. May mga kaklase din akong nagbigay ng article nila. Matagal ko ng pangarap ang makapagasulat o kahit contributor man lang. Hindi ko pinalampas ang pagkakataon, nagbigay ako ng articles ko. Mga tatlong tula at dalawang essay. Submit ako ng hard at soft copy. Excited akong makita ang mga gawa ko sa portfolio. Pagkalipas ng mga isang buwan lumabas ang portfolio, hinanap ko agad ang mga articles ko. Hinanap ko sa tula, wala. Hanap ko ulit sa essay, yun, nakita ko ang title ng ginawa ko. Parang isang magulang na nakita ang bago nyang silang na sanggol. Binasa ko. Teka, bakit ganun? Parang frustrated abortion ang lumabas? May mga nadagdag at nabawas. Parang iba yung article pero pangalan ko ang nakalagay. Pero medyo hawig pa rin kasi yung iba sa mga ideas eh galing nga sa akin. Ayos din, masaya na kahit papano kasi may lumabas sa mga sinubmit ko. Sayang nga lang kasi pinaghirapan ko yung mga tula. Wala na nga ako kopya nun ngayon. Yung essay okay lang kasi parang hindi pa ganun all out ang emotions ko dun eh, at yun pa ang lumabas. Binasa ko din yung articles ng mga kaklase ko, panalo. Ang bangis ng mga gawa nila. Hanga din ako sa kanila.

Matagal na din nung muli kong basahin yung portfolio. Nagtatrabaho na ako nun, naisipan kong basahin ulit habang nakaupo sa trono. Nun ko lang nakita ang pagkakaiba ng ginawa ko sa mga kaklase ko. Yung kanila malupit, yung akin, malupit ang sikmura mo pagnagustuhan mo. Dun ko lang nakita ang mga pangit na salita na dapat sana eh mas napaganda ko pa. Lumabas tuloy na pinagtyagaan lang ang gawa ko. Siguro sa dami ng binigay ko eh wala man lang sila ipa-publish eh napahiya na lang. Pero nagpapasalamat pa din ako kasi dun ko nakita ang mga pagkakamali ako at dun ko natutunan kung paano ako makakagawa ng mas magandang article. Kumbaga, I learned from my mistakes. Salamat sa pagkakataon na binigay nila sa akin.

Naalala ko tuloy yung subject nung article kong yun. Tungkol sa isang kaibigan ko na himingi ng payo. Ang setting kasi nun eh nung highschool pa kami. Uso pa noon ang broken hearted chuvachuhu. Mga ka-emo-han nung mga panahon na yun. Dun umikot ang article ko nun. Dun ko nakita na may mga ginamit akong salita na hindi angkop sa article ko. Naging hindi tuloy interesante ang article ko. Pati ako nung binasa ko pagkalipas ng isang taon, hindi ako naging interasado. Natawa ako kasi nabaduyan na ako sa ginawa. Pero okay lang, bawi ako sa susunod. Dun ko lang din naisip na kaya pala mahalaga ang papel ng mga editor. Para pagandahin ang mga article na pangit. 

Advertisements

One thought on “Librong Malabo, Sinong Umutot Bakit Mabaho

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s