Ang Simula ng Umpisa

Lahat ng bagay ay may pinagmulan. Ang punla ay galing sa buto, ang kahoy galing sa punla, ang toothpick galing sa puno, manok galing sa itlog. O ang itlog ang galing sa manok? Anyway, yan ang life cycle. Kung saan nagmumula ang isang nilalang papunta sa isang makabuluhang bagay. Tulad ng blog na ito, galing sa malikot na utak ng isang tao at bahala ka na kung makikinabang ka dito. Umpisahan na ang kulitan. Maupo ka na sa iyong higaan.

Nung nakaraang araw, may nabasa akong isang libro. Hindi ko masyadong naintindihan dahil hindi ko makuha ang tema. Pero nabanggit doon na ang pagsusulat ay kailangang may format. Wala naman akong angal dun pero katulad ni Pareng Bob Ong, hindi ako sang ayon doon lalo na kung ang gusto mo lang ay magshare ng naiisip mo at makapabigay ng inspirasyon. Pero depende siguro yun sa kung ano ang tema mo at kung ano ang gusto mo sa buhay.

Ako, simple lang ang gusto ko. Ang magbahagi ng buhay ko at magkwento ng magkwento ng kung anu-ano. At dahil binabasa mo ito, isa ka na sa mga certified true friend ko dahil kaya mong sakyan ang kakulitan ko.

Ang pagsusulat ay isang uri ng expression ng iyong sarili at para sa akin, ang iyong isinusulat o binabasa ay sumasalamin kung sino ka. Sumasalamin ito sa mga pananaw mo sa buhay. Tulad ng kwento o pelikula. Kung trip mo ang mga suspense/thriller at mga maaaksyon, maaring may pagka-adventurous ka at kung hilig mo naman ay mga romantic drama, may pagka emotional ka. Pero ito ay palagay ko lamang at hindi ito in general. Maaring it’s the other way around. Para ding sa musika. Pero hindi ibig sabihin na mahilig ka sa maingay eh may pagkaadik ka. Para ding sa mga damit. Isa ang pagpili mo ng damit o nang suot mo ang nagsasalamin kung sino ka. Sabi nga, makikita mo daw sa damitan ng isang tao kung anong pagkatao nya. Pero minsan lang tsumamba ang ganitong teorya. Minsan din kasi kabaligtaran ito. Pero may mga kaibigan ako na kahit ganun ang sinasabi nila eh hindi ako naniniwala lalo na pagkakwentuhan ko sila. Meron din naman na kausap ko palang eh parang ayoko ng makita ang damitan. Ako personally, ganun din, minsan pagkausap mo eh parang napakaayos ng damitan pero kabaligtaran. Minsan naman pag ayos na ang damitan eh tsaka naman binubuwan.

Kung sa musika naman, isa ito sa mga hilig ko. Mahilig ako sa mga medyo maiingay ng konti hindi dahil sa adik ako kundi dahil makulit lang din talaga ako. Meron akong isang kaibigan, pareho kami ng hilig sa musika at minsan mukha syang “emo” kung pumorma pero pagnagkukwentuhan kami, ayaw nya ng mga emong topic. Ewan ko, sawa na ata sya sa ganun eh. Pero ayos din kakwentuhan yung mga kaibigan kong salungat sa gusto ko, kasi minsan nagkakaroon kami ng “mini-debate”. Sarap ng ganun, tapos pag yung tipong malapit ng magkapikunan dahil walang gustong magpatalo… change topic…

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s