Snickers. Mars. Tobleron. Cadburry.
Mga tsokolateng mabibili mo na ngayon sa mga department stores dito sa Pinas. Pero dati, kapag may dumarating akong kamag-anak galing ibang bansa, tsaka lang ako nakakatikim nyan.
Ilang araw na din may mga ganyang klase ng tsokolate sa ref namin. Dumating kasi ang dalwa kong kaibigan galing abroad. Bilang pasalubong, binigyan nila kami ng tsokolate at pabango.
Dumating din ng mas maaga kesa sa inaasahan ang hipag ko, at nagbigay din ng tsokolate at sabon bilang pasalubong.
Sa ilang pagkakataon, napapadalhan pa rin ng mga tiyahin at pinsan na nasa ibang bansa ng mga sabon, toothpaste, shampoo at tsokolate.
Noong bata pa ako, may ilang kapit-bahay kaming seaman. Tuwing magpapadala sila ng kanilang mga balikbayan box, maswerteng andun ako para makiusyoso at naambunan naman ng kaunting bite-size na tsokolate kung minsan.
May kaunting inggit siguro akong nararamdaman kung minsan dahil wala akong kamag-anak na nasa ibang bansa para magpadala ng balikbayan box.
Dati.
Noong swertehin si Erpat makapunta ng ibang bansa, muntik ng maging asukal ang ihi ko at muntik na din akong maging contestant ng The Biggest Loser. Tuwing may uuwi kasing kakilala si Erpat, nagpapadala sya ng mga tsokolate, sabon, pabango at shampoo.
Domoble pa ang supply nang makipagsapalaran ang dalawang kapatid ni Ermat sa abroad.
Ayos!
Naisip ko tuloy, kung nung panahon na madalas pang magpadala ang kapitbahay namin ng balikbayan box eh nakapag-abroad din si Erpat at ilan kong kamag-anak, nakikipagpalakihan na siguro ako ng tsokolate dun sa mga anak nung kapitbahay namin.
Dahil sa regular ng nagpapadala si Erpat at mga kapatid ni Ermat, nagsawa din ako. At nung bumalik si Erpat sa Pinas, akala ko eh mababawasan na ang supply ng pampataba. Nag-subtitute naman ang hipag ko.
At nung isang buwan nga bago sya umuwi, nagpadala pa sya ng balikbayan box.
Libro, damit, sabon, shampoo, toothpaste, laruan at tsokolate.
‘Yan ang mga laman nung balikbayan box ni Ate.
Galing school ang mga pamangkin ko noon at tuwang-tuwa sila nung nakita nila ang padala ng nanay nila.
Sinukat ang mga damit, binuklat ang mga libro, tinikman ang tsokolate, binuksan ang laruan at muntik ng maligo ulit dahil sa imported na sabon at shampoo.
Noong nasa abroad si Erpat, lagi akong excited kapag sinabi ni Ermat na may padala si Erpat. Naiisip ko na makakatikim na naman ako ng minatamis na hindi gawa sa niyog. Makakapagsuot na din ako ng damit na hindi pinagliitan nila utol. Makakagamit na din ako ng sabon at shampoo na amoy pa lang, imported na.
Pero nung makailang buwan na si Erpat dun, lasang bukayo na lang din ang padala nyang tsokolate. Mas maganda pa ang pinagluman nila utol na damit kesa sa padala ni Erpat. Nag-amoy arabo ako sa padala ni Erpat na sabon at shampoo.
Hindi dahil sa hindi masarap, pangit o mabaho ang mga padala ni Erpat, kundi dahil naiisip at naramdaman kong mas masarap, maganda at mabango pa ang mga andito sa Pinas kung kasama lang namin si Erpat.
Naiintindihan ko, kung hindi umalis si Erpat noon eh baka hindi ako nakatapos ng highschool at college. Alam kong kami ang dahilan ng pag-alis nya. Hindi dahil mga pasaway kami, kundi dahil gusto nila na mas maging maayos ang buhay namin.
Ang dahilan ng pag-alis ni Ate ay katulad din ng dahilan ni Erpat. Gusto nyang mas maging maayos ang buhay ng mga anak nya.
Para magkaroon ng pagbabago sa estado ng buhay.
At noong dumating nga si Ate noong isang linggo, mas nakita ko ang importansya ng kanyang pagbalik kaysa pag-alis, gaya ni Erpat.
Kung ang dahilan ng pag-alis ng mga mahal natin sa buhay ay para sa ating kinabukasan, mas importante ang kanilang pagbabalik. Hindi lang para siguraduhing naibigay nila ang pinapangarap nilang magandang kinabukasan para sa atin kundi para makasama tayo sa pagtahak sa magandang kinabukasan.
Umalis sila para baguhin ang ating pamumuhay.
Bumalik sila at nakita ang magandang pinagbago ng ating buhay.
Nakausap ko ‘yung isa kong kaibigan, isang linggo bago sila umuwi.
Nabanggit nya sa akin na excited na silang umuwi para magkasama-sama ulit kami.
Sinabi ko ang totoo, mas excited kami.
Sinabi nya na nakaempake na daw ang mga pasalubong nila sa amin.
Sinabi ko ulit ang totoo, hindi importante ang pasalubong, mas importante ang makasama namin ulit sila.
Ang pag-uwi ng isang kapamilya, kamag-anak o kaibigan ay hindi kailan man mapapalitan ng kahit anong laman o ng kahit ilang balikbayan box.
Mas importante ang makapiling ulit sila at makita sa kanilang pagbabalik ang magandang pagbabago ng kanilang pag-alis.
_____________________________________________
Ang akdang ito ay bilang suporta sa:









Pinaywriter
/ December 15, 2011Uuwi ang tita ko ng December. *wait today ata!* At tama, walang mas magandang pasalubong kesa sa tao mismong uuwi. Minsan hindi pa nakakabati ang mga tao nakalahad na ang kamay eh. T_T kakaiyamot ang mga ganun. Kita ko to lagi kasi sa nanay ko pinapadala ng tito kong nasa Italy ang mga padala niya. Alam kasi niyang hindi maaano ng mga tito ko ang padala niya kung sa nanay ko ipapadala.
http://pinaywriteroraldiarrhea2.blogspot.com/2011/12/alay-kadami-namin-sa-peba-2011.html
Nakita mo ung mga pischurs sa facebook? ^.^
hitokirihoshi jr.
/ December 10, 2011congrats po sa inyong award!
kakabasa ko pa lang ang ilang bahagi ng inyong entry at naalala ko rin yung tsokolate ng padala ng mga kapatid ko. Kung dito ni hindi ako makakain ng goya pag may dating kahit isang pack mayroon ako. pinipigilan na lang ako ni nanay dahil baka daw masobrahan ako sa tamis. eh ako pa naman ang mentality pag libre at may chance ‘ito na ang break ko, kakagatin ko’
mabuhay and happy blogging po!
kuya mao
/ December 13, 2011Salamat po at Congrats din po sa award nyo!
nanardxz
/ November 13, 2011nice reading your entry
CHINCHAN LAKWATSERO (@juanderfulpinoy)
/ November 4, 2011galing galing , klap klap. ako iba pa rin ang gusto ko ang umuwi na si tatay dito nalang magtrabaho. Mas gusto ko yun kesa balikbayan box. The question is kung dito kaya nagtrabaho si tatay , makakapagaral kaya kami ng college .hmmm…
iluvroy2
/ September 11, 2011nice entry. very inspiring…
Psychable
/ September 7, 2011I can relate to this po, lalo na pag may pasalubong. naaalala ko tuloy pag tatanungin ako kung anong gusto ko… wala akong maisasagot kasi ang gusto ko makauwi na sila agad.. Congrats po at God bless sa entry naten
kuya mao
/ September 9, 2011siguro nung unang umalis si erpat papuntang ibang bansa nasasabik din ako sa mga padala nya pero dahil hindi ako sanay na wala si erpat, mas gusto ko pa rin ang pag-uwi na kesa sa mga padala nya… Congrats din po! Sana eh makita kita sa awarding… pupunta ako kahit hindi ako imbitado makadaupang palad lang kita… God Bless po!
Pinaywriter
/ September 5, 2011Actually madalas namin maranasan ang ganito before when my uncle in Italy was single. Pero married na siya so hindi na masyado. Pero most of our relatives still include my mom in their “papadalhan ng pasalubong” list so hindi kami nawawalan.
Me issue lang minsan na kinakainisan ko like sa mga pamangkin ko na nasa Dubai ang mom nila, mas nauuna pa ang hingi kesa sa hello mama, we miss you nung gumawa kami ng video para sa b-day ng mama niya. Feeling ko naman hindi kami ganun ka materialistic nung ganun pa ang edad ko. Pero nakakalungkot na minsan pulos hingi lang alam gawin ng mga anak at asawa ng mga ofw.
True naman na maganda sa pakiramdam nila na makita nila ang mga pinaghirapan nila ay may naipundar. Pero minsan nakakapagod din na pag-uwi nila, sila pa rin ang taya. Parang oa na.
kuya mao
/ September 5, 2011Siguro minsan, hindi maiwasan ng mga naiwang kapamilya dito sa Pinas na maging materialistic kasi siguro sa pamamagitan nun, nababawasan nila ang pagka-miss sa mga kamag-anak nilang nasa ibang bansa. Maaring ganun din ang iba nating mga kakabayang nasa ibang bansa…
Anyway, ang mensahe ko lang naman dito eh sana eh ayusin nating mga andito sa Pinas ang buhay natin para naman pag-uwi ng mga kamag-anak nating nasa ibang bansa, lalo na kung magulang natin eh makita naman nila na maganda din naman ang naibunga ng kanilang pangingibang bansa…
Salamat po sa pagdaan!
-=cuteberl=-
/ August 24, 2011congratulations kuya mao… hehehe… goodluck satin.. nagulat akong ng malaman kong babaw ang mayari ng blog na ito…. galing parehas tayo ng nararamdaman…. like
kuya mao
/ August 24, 2011salamat! congrats din! at gudluck!
shyvixen
/ August 23, 2011sir mao…. kainaman… ang galing ng iyong lahok…. mei pinaghuhugutan… TWO THUMBS UP!!!!!….
kuya mao
/ August 23, 2011salamat po… salamat po ng marami!
kuya mao
/ August 30, 2011sabi nga ni kuli, kapag nagsulat ka ‘yung galing sa puso… kaya sa ref ko hinugot ‘yan kasi puro tsokolate…
salamat shy!
Nortehanon
/ August 15, 2011Karaniwang itinutulad ang balikbayan box sa karangyaan at kaginhawahan ng pamilya dala ng pangingibang bayan ng isa o mahigit pang miyembro nito. Nakalulungkot man, ngunit karaniwang naisasantabi ang katotohanan na ang karangyaan at kaginhawahan ay wala sa bulsa at tiyan, kundi nasa puso ng mga naiwan.
kuya mao
/ August 30, 2011gusto ko sanang magreply sa koment mo Bb. N pero nadali mo din ang gusto kong sabihin…
-=cuteberl=-
/ August 12, 2011panalo…
kuya mao
/ August 13, 2011salamat!
diary ni gracia
/ July 26, 2011Nice post!.. ang pagmamahal natin sa ating pamilya ang nagsisilbing tulay para, makutento at hindi maghangad ng produktong banyaga. Natural lang sa umpisa na tayo ay “ma-excite” dahil ganun talaga tayo. Pero sa paglipas ng araw at panahon, unti-unti hindi na importante ang tsokolate, pabango, sabon at iba pa, na galing sa ibang lugar, bagkus hinahanap hanap natin ang pagmamahal ng pamilyang nagtatrabaho sa lugar ng banyaga at nagsusumikap para sa ikabubuti ng kanyang pamilya…. Good job Mao!
vt1
/ July 24, 2011ganda nman ng mesage n2 simple pero totoo lahat.. isa rin kasi ako sa nkakatanggap ng blik bayan box since nung bata pa ako dhil din kay erpat, at ngaun dahil sa asawa ko pero hindi rin me excited sa mga pdala nya, mas excited pa rin ako sa pag-uwe nya
iyakhin
/ July 4, 2011maluha luha ako…dito kasi ako sa ibang bansa..naalala ko lang yung sabi ng mama ko last year bago sya pumanaw.. katulad ng sinabi mo “Sinabi ko ulit ang totoo, hindi importante ang pasalubong, mas importante ang makasama namin ulit sila.”
sabi ng mama ko ok lang kahit wala akong pasalubong, ok lang kahit wala akong dalang pera ang importante eh magkasama-sama tayo…teary eyes na me…
totoo ngang mas mahirap yung naiwanan mo kesa ikaw yung umalis..ramdam ko yun sa kanyan..lalo na nasa banyagang lugar ako walang kakilala..mas tuliro silang mga naghihintay..kung makakabalik ka pang buo…yun lang…
kuya mao
/ July 4, 2011wag kang mag-alala dahil makakabalik ka pa ng buong-buong… hindi dahil dapat, kundi dahil kailangan… God may always be with you po… ingat ingat!
Rodel Jaboli
/ July 3, 2011ang iyong storya ay nagpapakita kung paano mo pinahahalagahan ang tinatawag nating PAMILYA. Isang pamilya na magkakasama sa anumang laban ng panahon,isang pamilya na nagsisilbing binhi ng ating pagkakakilanlan. MInsan dahil na rin sa kakulangan ng pagkakakitaan, di maiawasan na ang isang kaaanak ay mangibang bayan para kahit paano ay makatikim ng kahit konting luho ang kanilang mahal sa buhay. Isang malaking sakripisyo para sa kanila iyon sapagkat mahirap mapawalay sa pamilyang nakagisnan. Dama ko kung gaano kahirap maging isang OFW,dama ko kung gaano kalungkot ang mag-isa at dama ko kung gaano kahirap magtrabaho sa lupain ng ibang lahi dahil OFW AKO… good luck and wish u luck sa entry mong ito sa PEBA…
Try to visit my blog at http://www.kuyapoklong.blogspot.com. and hope to read also my entry entitled “Sa Muling Pagbukas ng Tala-Larawan”
kuya mao
/ July 4, 2011salamat po sa pagbisita. nabasa ko na din po ang inyong entry at nagiwan ng konting kalat…
Good luck po!
Ingat and God Bless po…
duking
/ June 27, 2011sana dumating ang araw na lahat ng umuuwi ay hindi na kailangang umalis ulit. sana…
Pong
/ June 27, 2011Iba ang pakiramdam ng mga taong pumupuno ng balikbayan box at ang mga taong tumatanggap nito. Iisa lang ang kanilang buklod – pagmamahal.
Mabuhay ka, Ser Mao at ang pakikiisa mo sa laban ng mga kababayang OFWs!
kuya mao
/ June 27, 2011Salamat pakner!
Siguro dahil dating OFW si Erpat kaya malapit din ako sa mga kababayan nating OFW. Siguro dahil ang Ate ko eh kasalakuyang isang OFW. Siguro dahil ilan sa mga malalapit kong kaibigan at kamag-anak eh mga OFW.
Dahil na din siguro, minsan ko nang pinangarap na maging OFW.
WP
/ June 27, 2011Salamat Mao sa makabuluhang post na ito, mukhang malaki ang magiging savings ko sa mga binigay mong tip ahahahaha. Kongrats in advance!
kuya mao
/ June 27, 2011hahahahaha!
salamat sir roland!
nagkasala pa ata ako sa mga kamag-anak mo…
hehehehe….
EssaPayoyos
/ June 27, 2011Ayan ka nanaman, nagpapasabog ka nanaman ng kainaman sa paglalathala. Magaling kuya mao
Iba pa rin pag magkakasama lamang kayo. Yun lang, oks na lahat
salbehe
/ June 27, 2011Hindi mo alam kung gaano kalapit sa puso ko ang post mong ito hey mikki. Same sentiments, mas okay pang andito ang Papito ko kesa mga chocolates na pinapadala nya.